DALAWANG BATA, NALUNOD SA LINGAYEN BEACH

Dalawang bata ang ang nalunod sa Lingayen Beach noong araw ng Sabado.
Ayon sa pulisya, ang mga biktima ay pawang mga residente ng Victoria, Tarlac na tinangay ng Malalaking alon.
Sa ibinahaging impormasyon ng Lingayen Police Station sa IFM News Dagupan, agad na inalerto ang MDRRMO Lingayen, Pangasinan PDRRMO, Task Force Baywalk, at Libsong East Bantay Dagat hinggil sa naturang insidente.

Natagpuan ang katawan ng isang bata sa mismong araw ng insidente, habang ang isa naman ay napadpad at narecover sa bahagi ng Baybay Lopez, Binmaley, kahapon.
Parehong idineklarang dead on arrival sa ospital ang dalawang menor de edad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments