Dalawang Bata, Nalunod sa Ramon, Isabela

Ramon, Isabela – Patay ang dalawang bata matapos malunod kahapon pasado alas kwatro ng hapon sa Mini Hydro ng Brgy. Villa Beltran, Ramon, Isabela.

Kinilala ang mga biktima na sina Brix Xavier Manzano Fernandez, 10 anyos, estudyante at Sweetzel Fernandez Galindo, 9 anyos, estudyante, kapwa residente ng Brgy. Bugallon Proper, Ramon, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, habang naglalaro ang dalawang bata ay napadpad sila sa Mini Hydro at aksidenteng nahulog na naging sanhi ng kanilang pagkalunod.


Sa paghahanap ng rescue team kasama ang mga otoridad ng PNP Ramon, natagpuan pasado ala una na kaninang madaling araw ang wala nang buhay na katawan ng mga biktima.

Facebook Comments