Isang lalaki, natagpuang palutang-lutang sa Pasig River

Makati City – Patuloy ang retrieval operation ng Makati City police sa isang katawan ng isang lalaki na nakitang palutang-lutang sa Pasig River.

Sa inisyal na impormasyon mula sa Makati police, nakita ang katawan nang hindi pa nakikilalang lalaki sa Pasig River partikular sa may bahagi ng J.P Rizal, Makati City pasado alas dyes ngayong umaga.

Ang naturang lalaki ay walang damit pang itaas at naka maong shorts.


Sa ngayon, inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng biktima at dahilan nang kanyang pagkamatay.

Facebook Comments