Dalawang bata, nalunod sa Tondaligan Beach, patay

Patay ang dalawang bata matapos malunod sa Tondaligan Beach sa kasagsagan ng Semana Santa.
Kinilala ang dalawa na sina Angel Tan Garcia, limang taong gulang at si Mesha Lhorraine Tan Wee, anim na taong gulang na parehas na residente ng Bulacan.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, dumayo umano ang mag-anak mula sa Tonadaligan Bonuan Blue Beach upang magsaya at maligo kasabay ng Huwebes Santo ngunit ang kasiyahang iyon ay napalitan ng lungkot ng malunod ang dalawang bata.
Agad namang isinugod ang dalawa sa Decena Hospital ngunit dineklarang dead on arrival.
Patuloy pa din ang imbestigasyon sa tunay na nangyari.

Facebook Comments