Salpukan ng Motorsiklo at Forward Truck Isa Patay!

Hindi na umabot ng buhay ng isugod sa pagamutan ang isang lalaki matapos maaksidente ang sinasakyan nitong Motorsiklo sa kasalubong na Forward Truck sa kahabaan nh National Highway brgy. Reina Mercedes, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Bobby Joe Oliquimo, 23 anyos, Electrician, at residente ng Minamte 2, Cauayan City, Isabela habang ang biktima ay patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan.

Sa ibinahaging impormasyon sa RMN Cauayan ay tinatahak umano ng biktima anh naturang lansangan patungong Cauayan City habang ang suspek naman ay bumabaybay patungong Ilagan City ng biglang mag-overtake ang biktima at tinahak ang linya ng kasalubong na Truck na dahilan upang ito ay matumbok ni Oliquimo.


Nagtamo naman ng Sugat sa ibat-ibanh bahagi nh katawan ang bimtima at ng subukang isugod sa pagamutan ay idineklarang dead on arrival.

Agad namang dinala ang suspek sa kustodiya ng PNP Reina Mercedes para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments