Dalawang bayan na sa Pangaisnan ang apektado ngayon ng Newcastle Disease o peste ng mga manok ayon sa Provincial Veterinary Office.
Ayon kay Jovito Tabajeros, Provincial Veterinarian, ang naturang sakit sa mga commercial farm at backyard raiser sa lungsod ng Alaminos at Labrador.
Paglilinaw nito, hindi na masyadong kumalat pa ang newscastle disease dahil sa ang ilang commercial farms ay hindi natatamaan sapagkat mataas ang lebel at vaccination laban sa sakit.
Sa huling datos ng Municipal Agriculture ng Labrador, nasa 638 na manok ang namatay matapos tamaan ng Newcastle disease.
Ang Newcastle disease ay sanhi ng isang uri ng virus o peste na nagdudulot ng nakamamatay na sakit sa mga manok, kalapati, pugo at iba pang uri ng ibon. Ito ay Maaring makuha ang mikrobyo ng peste mula sa dumi ng may sakit na manok.
Dagdag ni Tabajeros, ang Newcastle disease ay nakaka-apekto nang malaki sa ekonomiya dahil kapag dinapuan ang manok ng naturang sakit, nasa 100 porsiyento ang mortality rate. | ifmnews
Facebook Comments