Dalawang Binata sa Ilagan City, Timbog sa Buy Bust Operation!

69

Ilagan City, Isabela- Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang dalawang binata matapos matimbog sa ikinasang buy bust operation ng kapulisan sa brgy. Alibagu, Ilagan City, Isabela.

Kinilala ang dalawang suspek na sina Bonifacio Carlos Jr. 18 anyos, residente ng brgy. Guibang Gamu, Isabela at si Mark Amiel Lambenicio, 22 anyos, walang asawa at residente naman ng Brgy. Alibagu, Ilagan City, Isabela.

Sa impormasyong nakalap ng RMN Cauayan, naglunsad umano ng operasyon kontra iligal na droga ang PNP Ilagan at nakipag ugnayan sa PDEA R02 Northern Isabela na nagresulta sa pagkakadakip ng dalawang suspek.

Samantala, nakuha naman mula sa pag-iingat ng mga ito ang isang green plastic na naglalaman ng limang sachet ng marijuana at ng kapkapan ay nakuha naman mula kay Amiel ang genuine 1000 peso, isang unit ng cellphone at isa pang isang libong piso na ginamit naman bilang boodle money.

Sa ngayon ay nasa himpilan na ng PNP Ilagan ang dalawa para sa kaukulang dokumentasyon at kaparusahan.

Facebook Comments