Tatlong Kababaihan sa Aurora, Isabela, Arestado sa Paglalaro ng Iligal na Sugal!

Aurora, Isabela- Timbog ang tatlong katao matapos maaktuhang naglalaro ng iligal na sugal sa Brgy. San Juan, Aurora, Isabela.

Kinilala ang mga nadakip na sina Joan Fernandez, 49 anyos, Self Employed, Marites Dugay, 42 anyos, laborer, mga pawang residente sa naturang lugar at si Marilen Lazaro, 24 anyos, may-asawa at residente naman ng brgy. Pisang, San Manuel, Isabela.

Sa impormasyong ipinarating sa RMN Cauayan, isang concerned citizen umano ang nagbigay alam sa himpilan ng kapulisan kaugnay sa paglalaro ng mga naturang suspek ng iligal na sugal partikular ang Tong-its na agad namang inaksyunan ng PNP Aurora.


Agad namang dinakip ng mga pulis ang tatlong kababaihan at nakumpiska sa kanila ang isang lamesa, isang set ng baraha at perang nagkakahalaga ng dalawang daan at animnapu’t tatlong piso.

Sa ngayon ay hawak na ng PNP Aurora ang tatlong suspek na nakatakda namang patawan ng kaukulang parusa.

Facebook Comments