Dalawang 19-anyos na lalaki ang nasugatan matapos mawalan ng kontrol at sumemplang ang kanilang motorsiklo sa Poblacion Zone 2, Villasis, Pangasinan.
Batay sa paunang imbestigasyon, minamaneho ng isa sa mga binatilyo ang motorsiklo nang lumagpas sa daan at sumadsad sa kalapit na bukirin.
Dahil sa lakas ng pagkakaaksidente, parehong nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang drayber at angkas nito. Agad silang isinugod sa pinakamalapit na pagamutan.
Napag-alamang parehong walang suot na protective helmet at lasing ang dalawa sa oras ng insidente.
Napinsala naman ang sasakyan na nasa kustodiya na ng kapulisan para sa tamang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









