Dalawang Chinese national, nailigtas ng mga pulis sa Parañaque City habang 3 suspek na Chinese national, patay matapos makipagbarilan sa mga pulis

Photo Courtesy: SPD PIO

Na-rescue ng mga tauhan ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group  (PNP-AKG) at Southern Police District ang dalawang Chinese national sa kanilang ikinasang operasyon sa safehouse ng kidnap for ransom syndicate sa Recto Street, BF Homes Parañaque City.

Ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos, batay sa ulat mula kay PNP-AKG Director BGen. Rudolph Dimas, na ang mga nailigtas ay sina Xianggqin Zhou AT Li You- Ci.

Nagkaroon ng ilang minutong palitan ng putok ng baril dahilan para masugatan ang tatlong suspek na mga Chinese national na kalauna’y idineklarang dead on arrival sa Paranaque Medical Center.


Nakuha sa lugar ang ilang matataas na klase ng armas, mga baril at mga bala, uniporme ng militar, pekeng plaka ng sasakyan at mga pekeng conduction sticker.

Naging matagumpay ang operasyon matapos makatakas si Lin Qingchang at makapagsumbong sa Las Piñas City Police Station na naging dahilan nang pagkakaaresto sa caretaker ng safehouse na si Lorriel Lozano.

Batay pa sa ulat ng PNP si Xiangqin Zhou ay dinukot noong February 3 sa Maynila habang si Li You- Ci ay kinidnap nitong February 14 sa Pasay.

Facebook Comments