CAUAYAN CITY INFORMATION OFFICE NG CAUAYAN, ABALA SA PAMIMIGAY NG CITY ID’S

Cauayan City, Isabela- Abala ang mga tauhan ng City Information office ng Cauayan sa pamimigay ng City ID’s sa mga residente mula labing walong (18) taong gulang pataas upang kanilang magamit sa mga transaksyon at bilang patunay ng kanilang pagkakakilanlan at matukoy na residente ng lungsod.

Karamihan sa mga kumuha nang kanilang mga City ID’s ang mga kabataang lalaki na kanilang gagamitin sa pagsali sa City Basket Tournament bilang requirements.

Mula ang mga kabataang ito sa Forest region gaya ng Barangay Santa Maria, Villa Concepcion, Maligaya at Rugos at ngayon lamang nakalabas ng kanilang barangay dahil hindi madaanan ang Alicaocao overflow bridge gawa ng patuloy na nakakaranas ng magdamagang ulan sa mga nakalipas na araw.

Dahil malayo ang ibang mga barangay mula sa Poblacio Area, pinili ng ilan na alas-singko palang ng umaga ay nakagayak at nag-aabang ng masasakyan.

Ang iba naman ay umarkila pa ng masasakyan at kanilang pinaghatian ang kabuuan ng kanilang pamasahe.

Facebook Comments