Dalawang comedy bar ni Allan K, tulayan nang isinara dahil sa pagkalugi

304

Tuluyan nang isinara ang Klownz at Zirkoh Comedy Bar na pag-aari ng comedian-tv host na si Allan K matapos itong magdeklara ng bankruptcy.

Say ni Allan K, wala raw kasing katiyakan kung kailan magiging normal ang takbo ng buhay ng mga tao at ng mga negosyong labis na naapektuhan ng Coronavirus pandemic.


Nabatid na labingwalong (18) taon ding tumagal ang operasyon ng Klownz sa Quezon Avenue, Quezon City habang labing-anim (16) na taon namang namayagpag ang Zirkoh sa Tomas Morato Avenue, Quezon City.

Tiniyak naman nilang maibibigay sa kanilang mga empleyado ang unpaid salaries, 13th month pay (prorata), at cash assistance mula sa kumpanya.

Facebook Comments