Dalawang daang bilanggo, nakatakas sa Indonesia

88

Indonesia – Nakatakas ang halos dalawang daan na mga bilanggo sa isang kulungan sa Pekanbaru City, Indonesia.

Sa footage ng isang Local TV Station, kitang kita na nagtatakbuhan ang mga naturang bilanggo sa entrace gate ng Sialang Bungkuk Prison.

Sinasabing nakatakas ang mga bilanggo habang nagsasagawa ng pagdarasal sa loob ng kulungan.

Ayon sa isang opisyal ng naturang kulungan, mayroon lamang sila na lima o anim na guwardya na nagbabantay sa halos 1,900 mga bilanggo.

Dahil dito, nagpakalat rin ng daang –daang mga pulis at sundalo na siyang huhuli sa mga tumakas na mga bilanggo.
DZXL558

Facebook Comments