Dalawang drug suspek, arestado sa buy-bust operation sa Navotas City

Huli ang dalawang lalaki matapos ang makuhaan ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation ng mga pulis sa Mapalad Street, Brgy. Tanza 1, Navotas City.

Kinilala ang dalawa na sina Carlo Capin, 33-anyos at Jay-ar Espinoza, 34-anyos.

Sa ulat ng Northern Police District (NPD), nakuha ang isang sachet ng shabu at buy-bust money.


Sa ngayon, nakakulong na ang mga suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act ot 2002.

Facebook Comments