Dalawang drug suspek, arestado sa Muntinlupa City

Nahuli ng mga tauhan ng Muntinlupa City Police Station ang dalawang drug suspek sa kanilang ikinasang buy-bust operation sa Barangay Tunasan Muntinlupa City.

Kinilala ang naaresto na sina Shiela Carrera, 27-anyos at Kenette Molera, 36-anyos.

Batay sa ulat ng Southern Police District (SPD), ikinasa ang buy-bust operation laban kay Carrera na nagresulta sa pagkakaaresto nito at kasama niya.


Nakuha sa kanila ang tatlong piraso ng transparent plastic sachets ng shabu na may halagang mahigit P7,000 piso.

Sa ngayon, nahaharap na ang mga suspek sa kasong paglabag sa Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments