Nurse, Timbog sa Pagtutulak umano ng Iligal na Droga

35

Cauayan City, Isabela-Arestado ang isang nurse na High Value Individual sa ikinasang drug buy-bust operation sa Brgy. Bulala, Camalaniugan, Cagayan kahapon, April 20,2021.

Kinilala ang suspek na si Richard Francis Valencia, 42-anyos, may-asawa at residente ng Brgy. Dacalla Fugu, Camalaniugan, Cagayan.

Inaresto ang suspek ng mga tauhan ng Camalaniugan Police Station, Philippine Drug Enforcement Agency Batanes Provincial Office at Philippine Drug Enforcement Agency Region 2.


Nakumpiska sa pag-iingat ng suspek ang dalawang piraso ng P500 peso bill at isang pakete ng hinihinalang shabu.

Nabatid na kabilang sa listahan ng PNP Directorate for Intelligence- PDEA High Value Individual si Valencia at sinasabing tulak ng droga at gumagamit rin.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na nasa kustodiya ng mga otoridad.



Facebook Comments