Dalawang Empleyado ng Korte na Na-Entrap, Naglabas Na ng Pahayag!

Cauayan City, Isabela- Nilinaw ng dalawang opisyal ng korte sa City of Ilagan na hindi nangikil ng pera sa umano’y isang Optometrist o Doctor sa mata.

Magugunitang nitong ika pito ng Mayo taong kasalukuyan ay nagsagawa ng Entrapment Operation ang mga awtoridad laban kina Ruby Minda Diamante, Court Stenographer ng RTC Branch 18, sa lungsod ng Ilagan at kay Merlyn Garo, Criminal Docket Clerk sa naturang korte sa isang fastfoodchain dahil sa kanilang umano’y pangingikil ng pera.

Matapos ang dalawang araw nang sila ay dalhin ng mga pulis sa PNP Ilagan ay nagpasa ang mga ito ng reklamo laban sa mga nagsagawa ng entrapment kabilang si Remedios Domingo na umano’y nagsasabi na kinikilan ng dalawang complainant at maging si judge Rodolfo Dizon ng RTC Branch 18.


Batay sa ekslusibong panayam ng RMN Cauayan sa isang complainant na si ginang Ruby Minda Diamante, kanyang inihayag na matagal na umanong nag-aaya ng pananghalian ang naturang Doctor na si Remedios Domingo at pinipilit din umano nitong papuntahin si Mrs. Garo sa kanyang klinika upang bigyan ng pang blow-out para sa kanyang kaarawan.

Kwento pa ni ginang Diamante na nitong ika pito ng Mayo taong kasalukuyan ay pumayag sila kasama si ginang Garo na kumain sa labas kung saan dito na nangyari ang Entrapment Operation kasama ang ilang elemento ng Intelligence Unit ng Isabela PPO at agad silang dinala sa PNP Ilagan para sa kanilang dokumentasyon.

Nagtaka nalang umano ang dalawang complainant dahil imbes na sa IPPO sila dalhin ay sa PNP Ilagan sila dinala at naroon na rin umanong naghihintay si Judge Rodolfo Dizon na agad pumasok sa isang opisina sa naturang himpilan at kinausap ang ilang pulis.

Nalaman na lamang umano ni ginang Diamante kasama si ginang Garo ang kasong ini-uumang sa kanila nang sila’y magkaroon ng Mug shot na kasong Robbery with Extortion imbes na kasong Bribery gaya ng sinasabi sa nangyaring Set-up.

Ayon pa kay ginang Diamante, na maaring plinano umano ni Hukom Rodolfo Dizon kasama ang ilang pulis maging si ginang Domingo ang naturang Entrapment Operation.

Facebook Comments