Dalawang estudyante, arestado sa paggamit ng marijuana sa loob ng paaralan sa Maynila

Manila, Philippines – Arestado ang dalawang estudyante matapos mahuling gumamit ng marijuana sa loob ng paaralan sa lungsod ng Maynila.
Hindi na pinangalanan ang dalawa na isang 18-anyos at isang menor de edad na pawang grade 12 student ng isang unibersidad.
Base sa salaysay ng mga teacher, nakaamoy sila ng tila marijuana sa C.R kung saan nakita nilang lumabas ang dalawang estudyante kaya kinumpronta at dinala sa discipline office.
Habang naglalakad dinukot sa medyas ng menor de edad ang isang tube at inihagis kung saan isang bungkos ng dried marijuana din ang nakuha sa pag-iingat ng 18 anyos.
Aminado ang mga estudyante na gumamit sila ng iligal droga sa loob ng C.R at inamin din nila na sa kanila ang mga nakumpiska ng mga owtoridad.

Facebook Comments