Message in the bottle ng isang babae, natagpuan matapos ang 29 na taon

Panghimagas – Isang babae mula sa South Carolina ang hindi pa din makapaniwala matapos matagpuan ang kaniyang message in a bottle matapos ang 29 na taon.
Ayon kay Miranda Chavez, September 1998 nang kaniyang itapon sa Edisto Beach ang ginawa nitong sulat kung saan nakatanggap siya ng mensahe sa Facebook mula sa mag-asawa sa Georgia na nakita nila ang nasabing bote.
Mismong sina David at Linda Humphries na mula sa Sapelo Island ang kumausap kay Miranda at talagang hindi makapaniwala ang ginang na makikita pa ang simpleng message na kaniyang ginawa noong walong taong gulang pa lamang siya.
Dahil sa dito, marami sa mga kababata ni Miranda ang isa-isa na niyang nako-contact matapos na i-feature sa TV ang kakaibang pangyayari na hindi inaasahan ng kahit sino man.

Facebook Comments