Davao City – Hinuli ng mga kasapi ng Presidential Security Group ang dalawang estudyante matapos magpalipad ng aerial drone na parang sinu-surveillance ang bahay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Doña Luisa sa lungsod ng Davao.
Agad na dinala sa himpilan ng pulisya ang dalawang suspek na sina Kalvin Clyde Luhuyad at Emil Guju, para maimbestigahan ng mga awtoridad.
Bandang alas-3 ng hapon nang naalarma ang PSG nang kanilang namataan ang isang drone na umaaligid sa tahanan ni PRRD kaya’t agad nilang sinuyod ang paligid.
Kaagad na inaresto ang dalawa at inendorso sa pulisya.
Mas hinigpitan pa ang seguridad sa bahay ng presidente.
Facebook Comments