DALAWANG EVACUATION CENTERS SA PANGASINAN, IPATATAYO

Pormal na isinagawa ang ground breaking sa ipapatayong dalawang evacuation centers sa lalawigan ng Pangasinan sa pakikipag tulungan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Ang dalawang evacuation center ay ipapatayo sa Barangay Pangapisan North Lingayen at sa Barangay Papagueyan sa Binmaley.

Ito ay pinondohan ng PAGCOR na nagkakahalaga ng tig 50 milyong halaga kada evacuation center.


Tiwala umano ang naturang korporasyon sa lokal na pamahalaan sa pamamahala at pagpapatayo nito sa lalawigan.

Ang Multi Purpose Evacuation Center ay naglalayong matulungan ang mga Pangasinense kung sakaling magkaroon ng sakuna sa lalawigan.

Facebook Comments