Malaysian employers, umaapela na papasukin sa kanilang bansa ang Filipino household service workers

Kinumpirma ng POLO-Malaysia na malakas ang panawagan ng Malaysian employers na pabalikin sa kanilang bansa ang Filipino household workers.

Sa harap ito ng lockdown na pinatutupad ng Malaysian government dahil sa banta ng Delta variant ng COVID-19.

Ayon kay Labor Attache’ Johnson CaƱete, pangunahin pa rin kasing kinukuha ng Malaysian employers ang Pinoy household service workers.


Pangalawa na lamang aniya ang semi-skilled workers tulad ng waitress, cooks, gardeners at washers.

Samantala, kinumpirma naman ni CaƱete na marami na ring Pinoy workers sa Malaysia ang fully vaccinated na at patuloy ang kanilang pag-assist sa iba pang Overseas Filipino Workers (OFWs) doon para mabakunahan na rin kontra COVID-19.

Facebook Comments