Dalawang Foreign National Na Suspek Sa Nightclub Terror Attack Sa Turkey – Arestado

6

Arestado ang dalawang foreign nationals sa ataturk airport na umano’y konektado sa nightclub terror attack noong new year na ikinamatay ng 39 katao.Wala pang ibinigay ang Turkish government na detalye sa pagkakaaresto ng dalawa.Nabatid nasa 16 na katao na ang naaresto dahil sa nasabing pag-atake.Pero patuloy pa ring tinutugis ng mga otoridad ang gunman na nagpaulan ng bala sa Reina nightclub na ikinasugat din ng maraming indibidwal.Maalalang inako ng ISIS ang responsibilidad sa naturang pag-atake.

Facebook Comments