Dalawang German National, Dinukot Ng Asg Sa Tawi-Tawi … Isa Sa Mga Hostage Napatay Ng Bandidong Grupo

26

TAWI – TAWI – Dinukot ng mga miyembro ng Abu Sayyaf Group ang dalawang German National sa lalawigan ng Tawi-Tawi ngunit isa sa mga hostage ang napatay ng grupo nang ito’y manlaban.Sa isang panayam, kinumpirma ni Muammar Askali Alyas Abu Ramie, Nagpapakilalang Tagapagsalita ng ASG, na hawak nila ang isa sa mga dayuhang Aleman na si Juegen Katner, 70-taong gulang.Aniya, kabilang rin sa kanilang tinangkang bihagin sa Tanjung Pisut, Tawi-Tawi ang babaeng kasama nito na si Sabrina.Giit ni Ramie, sapilitan sumampa ang ASG sa yate ng mga dayuhan at puwersahan silang isinasama.Gayunman, nanlaban aniya ang babae kung saan tinangka niyang barilin ang mga suspek kaya’t binaril ito hanggang sa mapatay.Samantala … sinabi naman ng Western Mindanao Command, na wala pa silang report na natatanggap hinggil sa panibgong pagdukot ng ASG sa Tawi-Tawi.

Facebook Comments