Voters Registration, Muling Sisimulan Ngayong Araw … Publiko, Pinayuhang Maagang Magparehistro

6

MANILA – Sisimulan na muli ngayong araw ng Commission On Elections (COMELEC) ang voters registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections.Sa inilabas na COMELEC resolution no. 10166, bubuksan ngayong araw ang pagpaparehistro na tatagal hanggang sa Abril 29 ng susunod na taon para sa 2017 Brgy. at SK Elections kabilang ang araw ng sabado at linggo.Wala namang gaganaping pagpaparehistro sa Disyembre 24 at Disyembre 25, 2016 gayundin sa Abril 13 at Abril 14, 2017.Sinabi ni COMELEC Spokesperson James Jimenez na pinalawig ng poll body ang voters registration para matiyak ang partisipasyon ng mas maraming botante sa susunod na eleksyon.Umapela naman ang COMELEC sa publiko na agahan ang pagpaparehistro para maiwasan ang mahabang pila.Umaasa naman ang COMELEC na aabot sa 55 milyon ang magiging botante sa susunod na eleksyon kasama na ang mga kabataang may edad 15 hanggang 17 anyos.

Facebook Comments