Dalawang Gintong Medalya, Nasungkit ng Rehiyon Dos sa Palarong Pambansa!

33

Cauayan City, Isabela- Nakakuha na ng dalawang gintong medalya ang deligado ng Rehiyon Dos sa pangalawang araw ng Palarong Pambansa sa Vigan City, Ilocos Sur.

Ito ang ibinahagi ni ginoong Joselito Narag, Education Support Service Division Head ng DepEd Region 2 sa naging ugnayan ng RMN Cauayan sa programang Straight to the Point kaninang umaga.

Aniya, nasungkit ni Alvin Gomez ng Appari ang isang gintong medalya sa larong Secondary Long Jump habang nakuha naman ni Rashid mula sa Tuguegarao City ang isang gintong medalya sa larong elementary level ng Shot put.

Ayon pa kay ginoong Narag, Inspirado pa rin ang mga deligado ng Rehiyon dos, kabilang na ang kanilang mga magulang na bumisita pa sa lungsod ng Vigan upang saksihan ang pakikipagtagisan ng kanilang mga anak.

Dagdag pa aniya, wala umanong problema pagdating sa kanilang mga pagkain at inumin dahil ang mismong deligasyon na umano ang naghahanda ng mga ito.

Facebook Comments