Magsasaka, Sinaksak sa San Mariano, Isabela!

54

Cauayan City, Isabela – Kasalukuyang nagpapagaling ngayon ang isang lalaki matapos saksakin pasado alas sais kaninang umaga sa barangay Pallutan, San Mariano, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Rey Ramel, kwarentay nuwebe anyos, may-asawa, isang magsasaka habang ang dalawang suspek naman ay kinilalang sina Jentuisle Ramel, singkwentay sais anyos, may-asawa at si alyas Jhonny na pawang mga residente ng naturang barangay.

Batay umano sa inisyal na imbestigasyon ng PNP San Mariano, natutulog umano sa kanyang bahay ang biktima nang biglang pasukin ito ng dalawang suspek at sinaksak ng isang beses ang biktima sa kanang bahagi ng kanyang diddib gamit ang isang patalim.

Agad na isinugod ang biktima sa pagamutan habang inaresto naman ang dalawang suspek sa pamamagitan ni Barangay Kagawad Reneboy Mendoza.

Nasa kamay na ng PNP San Mariano ang mga suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments