Dalawang hinihinalaang drug pusher arestado sa Rodriguez, Rizal

Timbog ang dalawang hinihinalaang tulak sa ilegal na droga matapos na magsagawa ng buy bust operation sa No. 50 Roxas Street, Brgy. Burgos, Rodriguez, Rizal.

Kinilala ang mga suspek na sina Ashley Luczon, aka ‘Layug,’ aka ‘Ashley;’ at Mark Kelly Santos, aka ‘Kelly’ na kabilang sa tinaguriang bagong drug pusher.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya ngasagawa ng buy bust operation ang mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit/Philippine Drug Enforcement Unit ng Rizal Provincial Police Office sa pangunguna ni P/Lt. Jackson Aguyen na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga hinihinalang drug pusher.


Nakumpiska sa kanila ang 13 pirasong transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 10 gramo na nagkakahalaga ng P68,000, isang pirasong pouch, P500 na ginamit bilang buy bust money at tatlong pirasong tig-P100 ang narekober sa mga suspek.

Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa mga hinihinalang drug pusher.

Facebook Comments