Friday, February 13, 2026

Dalawang illegal gambling sites, na-block—CICC

Kinumpirma ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na na-block na ang dalawang ilegal na online gambling websites.

Ayon sa CICC, ang mga site na tinukoy ay ang LuckySabong at PH1XBet.

Ang hakbang ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipasara ang mga ilegal na online gambling sites sa buong bansa. Tugon din ito sa pangamba ng ilang senador kaugnay ng talamak na paglaganap ng online gambling.

Sinabi ng ahensya na sa loob lamang ng dalawang oras ay na-block ang mga site sa tulong ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at ng National Telecommunications Commission (NTC).

Kaugnay nito, tinatayang umaabot na sa 50,000 illegal gambling sites kada buwan ang naipapasara ng CICC.

Facebook Comments