DALAWANG INDIBIDWAL, ARESTADO SA ISINAGAWANG BUY BUST OPERATION SA LA UNION

Arestado ang dalawang indibidwal matapos na mahulihan ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy bust operation ng hanay ng San Fernando City Police Station kasama ang PDEA Regional Office 1 sa La Union.
Narekober sa isinagawang operasyon ang nasa 2,2 gramo ng hinihinalang shabu na nakasilid sa dalawang heat-sealed transparent plastic sachets at tinatayang nagkakahalaga ng 14,960 pesos.
Narekober din sa mga suspek ang buy-bust money, at dalawang magkaibang unit ng cellular phone. Nasa kustodiya na ng awtoridad ang mga nakalap na ebidensya laban sa mga suspek. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments