Dalawang indibidwal na sumampal kay French President Emmanuel Macron, inaresto

46

Sinampal sa mukha si French President Emmanuel Macron ng dalawang sibilyan nang magtungo ito sa Tain-l’Hermitage, France.

Ayon sa imbestigasyon, isang lalaki ang sumigaw ng “down with Macronism” at “Montjoie, Saint Denis” na isang battle cry noon sa kanilang bansa.


Kasunod nito, tinawag ni Macron na isang “isolated event” ang pangyayari at sinabing hindi hahayaan ang marahas na indibidwal ang manguna sa pampublikong debate.

Agad namang inaresto ng mga otoridad ang dalawang sibilyan habang nagpatuloy pa rin sa pakikisalamuha sa mga tao si Macron.

Facebook Comments