NPA, hindi sinsero sa paghingi ng tawad sa mga naiwang pamilya ng kanilang mga biktima

108

Paulit-ulit lamang ang ginagawa ng mga miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army na paghingi ng tawad kahit hindi nakikitaan ng sinseridad.

Ito ang tiniyak ni Office of the Presidential Adviser on the Peace Process Spokesperson Asec. Wilben Mayor sa interview ng RMN Manila kasunod ng pag-ako ng NPA sa responsibilidad sa nangyaring pagpapasabog ng landmines na ikinasawi ng dalawang katao sa Masbate City.


Inihalimbawa ni Mayor ang maraming mga pagkakataon na may mga sibilyang nadamay sa mga engkwentro at hihingi lamang ng paumanhin ang mga rebeldeng grupo.

Posible rin aniya na ginagamit din ito ng NPA para manakot sa mga sibiliyan na huwag makipag-ugnayan sa pamahalaan.

Facebook Comments