Dalawang Kalabaw sa Ilagan City, Isabela, Tinamaan ng Ligaw na Bala sa Naganap na Bakbakan ng Militar at NPA!

City of Ilagan, Isabela – Dalawang kalabaw na ang naitalang tinamaan ng ligaw na bala sa naganap na labanan kamakailan sa pagitan ng 95th Infantry Battalion at Reynaldo Piñon Command sa Sitio Kapaltatan ng Barangay Sindon Bayabo, City of Ilagan, Isabela.

Ayon kay Barangay Captain Levi Matteo ng nasabing barangay, una ng namatay kahapon ang isa sa dalawang kalabaw na natamaan ng ligaw na bala habang ang isa naman ay kasalukuyang inoobserbahan sa ngayon.

Iginiit pa ng kapitana na kamag-anak niya ang may-ari ng dalawang kalabaw at ang pagkakabaril umano ng mga ito ay nakita ng mga military.


Nagsabi na rin umano ang mga militar sa may-ari ng dalawang natamaang kalabaw na magsadya na lamang ang mga ito sa opisina ng militar upang mapag-usapan at maayos ang usapin hinggil sa dalawang nadamay na kalabaw.

Samantala, sa ngayon ay mapayapa na umano ang lugar ngunit may mga kasapi pa ng militar at kapulisan para sa seguridad ng mga residente ng naturang lugar.

Facebook Comments