KAKADU | Isa sa barko ng Philippine Navy maglalayag patungong Australya

Manila, Philippines – Nakatakdang bumiyahe patungong Darwin Australia ang isa sa barko ng Philippine Navy na BRP Ramon Alcaraz.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Commander Jonathan Zata, ang BRP Ramon Alacaraz at mga sakay nito ay makikiisa sa multilateral regional maritime exercise o tinatawag na Kakadu.

Sa Lunes aniya isasagawa ang sendoff ceremony sa 300 man contingent na sakay ng BRP Alcaraz sa Pier 13 South Harbor Manila.


Ang Kakadu ay gagawin mula August 31 hanggang September 25, 2018.

Facebook Comments