San Manuel, Isabela – Dinakip ang dalawang kalalakihan matapos manggulo sa isang simbahan sa San Manuel, Isabela noong gabi ng Enero 25, 2019.
Kinilala ang mga nadakip na sina Mario Ramillo Pascua, 29 anyos, at Lawrence Tejero Prado, 23 anyos, kapwa residente ng San Manuel, Isabela.
Sa naging panayam ng RMN Cauayan kay Police Senior Inspector Ronald Suyo, PNP San Manuel, inaresto ang dalawang kalalakihan matapos maireport na nanggugulo ang mga ito sa kasalukuyang seremonya ng simbahan at pinipilit pumasok sa loob nito.
Aniya, nakainom sina Pascua at Prado at nang puntahan nila ang ipinaradang motor sa may harap ng simbahan ay napansin nilang parang natumba ito at agad pinagsisigawan ang mga miyembro ng simbahan at pinagbibintangan ang mga ito.
Kaugnay nito, dahil hindi naaayon sa simbahan ang kanilang pinagsasabi ay nasampahan na sila ng kasong paglabag sa Article 133 of the Penal Code or Offending the Religious Feelings.