2 kaso ng COVID-19, naitala sa Taytay, Rizal

Nakapagtala na ng dalawang kaso ng COVID-19 sa Taytay, Rizal.

Sa facebook post ng Taytay Public Information Office, isa sa pasyente ay nasawi bago nailabas ang resulta na positibo siya sa virus.

Agad na nai-cremate ang labi ng babae na taga-barangay San Juan.


Mula rin sa kaparehong barangay ang isa pang pasyente na naka-confine ngayon sa isang pribadong ospital Ortigas Avenue.

Maliban dito, nasa mayroon ding 106 na Persons Under Monitoring (PUM) sa lugar habang 11 ang Persons Under Investigation (PUI).

Facebook Comments