Isang Warehouse sa City of Ilagan, Bahagyang Nasunog!

284

Cauayan City, Isabela- Bahagyang nasunog ang isang warehouse na pinaglilinisan ng mga lata ng Mantika sa Lungsod ng Ilagan.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay SFO2 Arnel Larugal, Chief Admin ng BFP City of Ilagan, kasalukuyan pa ang kanilang imbestigasyon kung ano ang pinagmulan ng sunog sa warehouse na pagmamay-ari ni Antonio Pensiong Uy, nasa hustong gulang, negosyante at residente ng Brgy. Calamagui 1st, City of Ilagan, Isabela.


Ayon kay SFO2 Larugal, agad din naapula ang sunog nang ito’y agad na marespondehan ng mga bumbero.

Wala namang nasaktan o nasugatan sa nangyaring sunog at tinatayang nasa higit kumulang Php5,000.00 ang halaga ng pinsala ng sunog.

Facebook Comments