Cauayan City, Isabela- Kinumpirma ni Provincial Health Officer Dr. Carlos Cortina III na mayroon ng unang dalawang kaso ng Omicron COVID-19 variant sa probinsya ng Cagayan ngayong Martes, Enero 18, 2021.
Ayon kay Dr. Cortina, ang isa sa mga tinamaan ng Omicron ay mula sa Cato, Tuao, Cagayan na may travel history sa Metro Manila.
Habang ang isa naman ay mula sa Caggay, Tuguegarao City, Cagayan.
Sa kasalukuyan, inaalam pa ng Department of Health (DOH) ang karagdagang impormasyon hinggil sa dalawang positibo sa Omicron variant.
Ayon pa kay Dr. Cortina, clinically recovered na ang dalawang naitalang kaso ng Omicron.
Na-detect ang mga ito mula sa mga samples na isinailalim sa sequencing ng Philippine Genome Center noong buwan ng Disyembre 2021.
Facebook Comments