Mga manggagawa, exempted sa “No vax, No ride” Policy ayon sa DOLE

241

Nilinaw ng Labor Department na exempted sa “No vaccination, No ride” Policy ng pamahalaan ang mga manggagawa.

Sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello na malaki ang kontribusyon sa ekonomiya ng mga manggagawa dahil sila ang nasa likod ng essential services.

Kapag huminto aniya ang trabaho ng essential workers ay hihinto rin ang galaw ng mga negosyo sa bansa.


Kapag wala aniyang negosyo ay babagsak naman ang ekonomiya ng bansa.

Ang “No vaxx, No ride” Policy ay pinaiiral ng Inter-Agency Task Force sa harap ng muling paglobo ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Facebook Comments