Manila, Philippines – Kinumpirma ng Singapore government ang pagkakaroon ng dalawang kaso ng zika virus.
Ayon sa Singapore National Environment Agency, ito ay naitala sa Northeastern part ng bansa.
Mula sa iisang bahay ang naitalang impeksyon na inoobserbahan na nila.
Nabatid na mayroon ng anim na kaso ng zika ang naiulat sa Singapore sa loob lamang ng 12 linggo ng taong ito.
Ang nasabing sakit ay galing sa kagat ng lamok na nauna ng kumalat sa mahigit animnapung mga bansa.
Facebook Comments