Dalawang katao arestado sa ilegal na droga sa Mandaluyong City

39
Handcuffed man behind prison bars. Arrested criminal male person imprisoned.

Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ang dalawang katao makaraang mahulihan ng ilegal na droga ng magsagawa ng buy-bust operation sa San Jose St., Brgy. Mauway, Mandaluyong City.


Kinilala ang mga suspek na sina Jay-ahr Bartolo, 35 anyos at Rolando Sacdalan Jr., 34 anyos, residente sa naturang lugar.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng Mandaluyong PNP, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang suspek.

Narekober sa mga suspek ang limang (5) pirasong transparent plastic sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu at P500 buy-bust money.

Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa mga suspek.

Facebook Comments