Pusa sa England, himalang nakaligtas matapos tamaan ng pana

(Picture: BPM Media)

COVENTRY, England – Masuwerteng nakaligtas mula kamatayan ang isang pusa matapos aksidenteng matamaan ng palaso ng pana sa kanyang katawan.

Ayon sa amo ng pusang si Shearer, umuwi raw ang kanyang alaga noong Lunes, Hunyo 8 nang may mapansing siyang nakatusok sa binti nito.

Napagtanto raw niyang may tama ng bala ng pana sa katawan ni Shearer kaya agad daw niya itong isinugod sa vet para sa emergency treatment.


Ayon sa mga ito, maswerte ang pusa dahil hindi raw natamaan ang kanyang vital organs maging ang kanyang spine.

Nakita sa x-ray na may nakatusok nga sa katawan ni Shearer kaya agad nila itong isinailalim sa operasyon para matanggal ang naturang palaso.

Cat shot with a crossbow
(Picture: BPM Media)

Nang maging matagumpay ang isinagawang operasyon ay bakas daw sa pusa ang matinding pagkabigla at sakit.

Ngayon ay takot na rin daw itong lumabas ng kanilang bahay dahil sa dinanas.

Samantala, matapos ang insidente ay nagsagawa ng imbestigasyon ang pulisya tungkol sa nangyaring pag-atake.

Facebook Comments