Dalawang Katao na Wanted sa Batas, Arestado!

43

Burgos, Isabela – Nahuli ang dalawang indibidwal matapos isilbi ng mga otoridad ang Warrant of Arrest ng mga ito dakong ala una ng hapon sa brgy. Caliguian, Burgos, Isabela.

Ang mga akusado ay kinilalang sina Ariel Galapo Mojica, 37 anyos, may asawa, magsasaka at Jean Joy Valenton Villanueva, 27 anyos, may asawa at kapwa residente ng nasabing barangay.


Inaresto ng mga kasapi ng PNP Burgos katuwang ng CIDG Isabela ang dalawang akusado sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni Hukom Angerico B. Ramirez ng MCTC Burgos, Isabela dahil sa kanilang kasong Concubinage at Adultery.

Nasa kustodiya na ng PNP Burgos sina Mojica at Villanueva para sa kanilang kaukulang disposisyon habang may inirekomendang piyansa para sa kanilang pansamantalang kalayaan na nagkakahalaga ng P30,000.00 bawat isa.

Facebook Comments

From Advertisers