Dalawang katao na Wanted sa Batas, Natimbog sa Cauayan City, Isabela!

*Cauayan City, Isabela-* Hawak na ng kapulisan ang dalawang lalaki na may kasong kinasasangkutan matapos isilbi ang kanilang Warrant of Arrest dito sa Lungsod ng Cauayan.

Kinilala ang isa sa mga nadakip na si Gil Conception, kwarentay tres anyos at residente ng brgy. Catayauan, Lallo, Cagayan.

Hinuli ng mga otoridad si Conception dahil sa kaso nitong Pagnanakaw at pansamantalang makakalaya kung makakapaglagak ito ng kanyang piyansang apatnapung libong piso.


Nasa kustodiya na ng PNP Luna ang suspek at nakatakdang dalhin ito sa kanyang court of origin.

Samantala, timbog rin si Gerwin Arellano Santos, trentay otso anyos, negosyante at residente ng Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Siya ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest na inihain ni hukom Raul Babaran ng RTC Branch 19 Cauayan City, Isabela dahil sa kasong Tangkang Pagpatay at walang inirekomendang piyansa .

Nakapiit na sa PNP Cauayan si Arellano na mahaharap sa kanyang kaukulang kaso.

Facebook Comments