Isang Binata sa Santiago City, Timbog sa Pagtutulak ng Droga!

116

*Santiago City, Isabela-* Nahaharap ngayon sa kasong Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isang helper matapos matiklo sa ikinasang drug buy bust operation ng mga otoridad sa brgy Rizal, Santiago City, Isabela.

Kinilala ang nadakip na tulak na si Eddie Boy Bughao Bungag, bente anyos, binata, isang helper at residente ng Brgy. Mabini, Santiago City, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan sa Presinto Uno ng PNP Santiago City, natiklo si Bughao matapos nitong bentahan ng isang sachet ng hinihinalang marijuana ang isang police poseur buyer sa halagang limang daang piso.

Nakuha mula sa suspek ang isang sachet na naglalaman ng dahon ng marijuana at ang limang daang pisong marked money.

Nasa kustodiya na ng PNP Santiago City ang suspek na mahaharap sa kanyang kaukulang kaso.

Facebook Comments