Dalawang Katao, Patay Matapos Pagbabarilin!

68

Santiago City, Isabela- Dead on the Spot ang dalawang katao matapos pagbabarilin ng hindi pa matukoy na suspek pasado alas tres kaninang hapon sa Barangay San Isidro, Santiago City, Isabela.

Isa sa biktima ay kinilalang si Ernesto Mabalot, sitenta anyos, buyer ng mga alagang hayop at residente ng Brgy. Sagana, Santiago City habang ang isa pang biktima ay kasalukuyan pang inaalam ng kapulisan ang pagkakakinlanlan nito.


Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Chief Inspector Reynaldo Maggay, ang hepe ng Santiago City Police Station 2, aniya binabaybay ng dalawang biktima ang daan patungo sa naturang Barangay lulan ang kanilang TMX 155 kolong-kolong upang bumili ng baboy nang biglang pagbabarilin ng hindi pa matukoy na suspek gamit ang isang kalibre kwarentay singkong baril.

Agad umanong tumakas ang suspek samantalang narekober naman sa pinangyarihan ng krimen ang limang basyo ng bala ng kalibre kwarentay singko at isang slug.

Sa ngayon ay patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng kapulisan sa motibo ng pamamaril sa mga biktima at maaaring pagkakakilanlan ng mga suspek.

Facebook Comments

From Advertisers