Dalawang katao pinagbabaril patay sa Marikina

58
Manila, Philippines – Patay ang dalawang katao matapos pagbabarilin ng mga armadong kalalakihang pumasok sa kanilang bahay sa Pipino Street Brgy.tumana  Marikina  City.
 
Tadtad ng tama ng bala ng baril sa katawan ang mga biktimang sina Lorie Nanac Dela Cruz  33 anyos at Jeffrey Sumayang 24 anyos.
 
Ayon kay Marikina Police Station Commander P/ Sr. Supt. Lorenzo Holanday pawang nasa drug watchlist ng Brgy. ang magbilas na biktima.
 
Ayon naman sa pahayag ng kinse anyos na pamangkin ng mga biktima, kapwa nakatakip ang mga mukha ng lima hanggang pitong mga suspek.
 
Nang makita ang dalawang target pwersahang pinalabas ang mga ito ng bahay kagabing pasado alas otso at pagbabarilin.
 
Napag-alaman na kalalabas lamang sa kulungan ni Sumayang matapos makapag-piyansa sa kinakaharap na kasong may kinalaman sa ilegal na droga.


Facebook Comments