Isang tricycle driver, pinagbabaril patay sa Navotas

65
Manila, Philippines – Patay ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang mga  suspek  sa tapat ng Agora Market sa N. Naval Street Brgy. North Bay Blvd.South Navotas City.
 
Kinilala ang biktima na si Armando Cedro 46 anyos  residente sa N. Naval Street NBBS Navotas City.
 
Batay sa imbestigasyon sa pulisya nakita ng  mga nakasaksi na naglalaro lamang ng pool ang biktima nang lapitan  siya ng  tatlo hanggang apat na mga kalalakihan  na nakasuot ng bonnet at sakay ng dalawang  motorsiklo at  walong putok umano ng baril ang kanilang narinig.
 
Nagtamo ng tama ng bala ng  baril sa ulo ang biktima na siyang ikinamatay.
 
Batay naman sa pahayag ng kapatid ng biktima na si Sonny Cedro hindi man niya personal na nakikitang gumagamit ng ilegal droga ang kapatid  pero dahil sa Baranggay worker siya ay  nakakatanggap siya ng impormasyon na adik sa shabu ang kanyang kapatid.
 
Dagdag pa ni Sonny Cedro na matagal na niyang pinagsasabihan ang napatay na kapatid na tumigil na sa paggamit ng shabu pero hindi siya pinapansin at pabalal pa umano siyang sinasagot ng kapatid na napaslang.


Facebook Comments