Wednesday, March 4, 2026

DALAWANG KATAO, TIMBOG SA DRUG BUY-BUST SA DAGUPAN

Inaresto ng pulisya ang dalawang katao sa magkahiwalay na buy-bust operations sa Dagupan City, Pangasinan kaninang madaling araw kung saan nasamsam ang kabuuang 4.5 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng ₱30,600.

Ayon sa ulat, huli ang isang 44-anyos na biyuda at laundry worker at nakumpiskahan ng 3 gramo ng shabu, P500 marked money, boodle money at ilang personal na gamit.

Makalipas ang tatlong oras, inaresto rin ang isang 54-anyos na walang trabaho sa isa pang buy-bust at nasamsam ang 1.5 gramo ng shabu, isang improvised glass tube, marked money at boodle money na ginamit sa transakyon.

Pinangunahan ang operasyon ng City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU) katuwang ang PDEA RO1, DCPO Police Stations, at iba pang yunit ng PNP.

Ayon sa pulisya, haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek habang nagpapatuloy ang kampanya laban sa ilegal na droga sa Dagupan City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments