Dalawang kataong naiulat na di umanoy dinukot ng Abu Sayyaf sa Basilan, pinaghahanap na ng mga otoridad

Basilan – Pinaghahanap pa ngayon ng mga otoridad ang dalawang power saw operator na una na ring naiulat kahapon na dinukot ng teroristang Abu Sayyaf sa lalawigan ng Basilan.

Kinilala ng mga biktima na sina Dodong De Venagracia, 50 taong gulang at si Ily De Venagracia, 25-anyos.

Batay sa ulat na inilabas ng PNP sa Basilan na umatake kahapon ang mga Abu Sayyaf sa pangunguna ng grupo nina pasil Bayali at Otoh Dobol at kanilang sinunog ang bahay ng mga biktima na nasa lower Mahayahay Maluso at tinangay ang mga ito.


Pagkatapos ng insidente ay nakatanggap umano ng impormasyon ang mismong pamilya ng mga biktima na di umano’y pinugutan na naman ng ng ulo ng Abu Sayyaf ang dalawang biktima.

Ang nasabing report ay ayaw pang kumpirmahin ng militar at PNP sa Basilan habang patuloy pa nilang pinaghahanap ang mga ito.

Facebook Comments